tag:blogger.com,1999:blog-66260913416070288122024-03-08T14:19:13.220-08:00Florante at LauraUnknownnoreply@blogger.comBlogger4125tag:blogger.com,1999:blog-6626091341607028812.post-64839581512927214022013-01-07T20:59:00.000-08:002013-01-07T20:59:59.487-08:00Florante at Laura (script)

Florante at Laura

Scene 1 (ang kabataan ni Florante)

NARATOR: si florante ay bugtong na anak nina Prinsesa Floresca at Duke
Briseo. Ang butihing prinsesa ay anak ng hari ng krotona at ang mabait
na duke ay siyang salamin sa karunungan sa buong albanya. Nang sanggol
pa lamang si Florante ay ...

MENALIPO: haa.. isang Buwtre! iyan ang nararapat sa iyo halimaw.

FLORESCA: anong nangyayari at..

MENALIPO: princessa floresca ang...

FLORESCA: ang aking anak.. mabuti’y nasa mabuti kang kalagayan anak.
salamat na lamang nandito ka menalipo kundi’y malamang napahamak na ang
aking anak. Halika’t dalin natin siya sakanyang ama.

NARATOR: sapaglipas ng panahon si Florante ay nasa wastong gulang na
upang tumuklas ng kanyang karunungan napagtanto ng kanyang ama na si
Duke Briseo na siya ay pag aralin sa Atenas..

FLORANTE: ama.narito po pala kayo, at napansin ko ang iyong pagkabalisa..

DUKE BRISEO: florante anak, anak, napag isip isip ko napapanahon na
upang tumuklas ka ng karunungan. Ikaw anak ay ipadadala namin sa Atenas,
ang lungsod ng karunungan. Ang Atenas ay bantog sa mahuhusay na guro,
isa na rito ay si antenor na siya mong magiging guro.

FLORANTE: pano po ang aking ina? Diyata’t mawawalay ako sa kanya.

DUKE BRISEO: batid ko ang pagmamahal na inuukol ng iyong ina, subalit
kung tayo’y patatangay ng kalungkutan sanhi ng ating paglalayo ay hindi
mo matatagpuan ang tagumpay....... Iyan ang dahilan kung kaya’t dapat
nating pagtiisan ang lahat. Ang kapangyarihan ng luha ay dapat nating
pawalang kabuhulan.

NARATOR: makalipas ang ilang araw naghanda si Florante patungo sa Atenas....

FLORANTE: makakaasa po kayo ina. Sige... paalam po........
Scene 2 (Atenas, atenas,pagkikipagkaibigan)

ANTERNOR:Nagagalak ako sa iyong pagdating, Florante

FLORANTE: gayun din po ang sumasapuso ko maestro.

NARATOR: isang buwan na ang lumipas subalit hindi humiwalay ang
kalungkutan sa kanya, kahit minsan...... pinayuhan siya ng kanyang guro
na makipagkaibigan at sinabi pa niyang maykakabayan siya dito.
Nagpakilala si Florante sa kanyang mga kamag aral at di niya akalain na
doon pala niya ang magiging pinakamatalik niyang kaibigan.

FLORANTE: mula ngayon ay kaibigan niyo akong lahat. Ako si Florante.

MENANDRO: asahan mong magiging matalik mo akong katoto!

ANTENOR: Wala yata si Adolfo?

MENANDRO: Nariyan lamang po at marami raw siyang ginagawa.

ANTENOR: o Adolfo... Siya nga pala si Florante, Adolfo, ang kababayan mo sa Albanya at anak ni Konde Sileno.

ADOLFO: Ikinagagalak kitang makilala, ako si Adolfo.

NARATOR: Mula noon ay naging masaya na si Florante. Madali silang
nagkapalagayan ng loob ni Menandro. Ilang pahahon pa ang lumipas.

FLORANTE: Ako’y naliligayahan pagka’t ang ating pagkakaibigan ay nagdudulot sa akin ng sigla at sasiyahan.

MENANDRO: Ako ma’y nabihag ng iyong magandang kalooban Florante.

FLORANTE: Menandro nais kong sa pagbabalik ko sa amin ay makakasama kista!

MENANDRO: Sakaling ako’y palaring makakarating sa Albanya, asahan mong
di upang humanap ng katanyagan kundi upang huwag na tayong
magkahiwalay!

Scene 3: dula dulaan lang hindi totohanan

NARATOR: At di nagkabula ang kanilang sapantaha pagkalipas pa ng ilang
taon ay si Florante na nga kinikillalang pinakamarunong sa paaralan.
Ang pangalan niya’y naging bulaklak ng dila ng mga tao.

ADOLFO: (sa isip lamang) Hindi!!! Hindi ko maaaring palagpasin ang
pag-agaw mo sa aking karangalan! Isa lamang sa amin ni Florante ay dapat
na salubunging bangkay sa Albanya!

NARATOR: At pagkalipas ng ilang buwan ang paaralan ay nagtangi ng isang araw ng kasayahan.

ANTENOR: ang ating paaralan ay magkakaroon ng pagsasadula hango sa buhay
ni Reyna Yokasta. Florante, papel ni Etyokles ang gagampanan mo.
Katauhan naman ni Reyna Yokasta ang gagampanan ni Menandro.

NARATOR: patuloy ang kanilang paghahanda, lahat ay masaya maliban kay adolfo na noon ay.....

ADOLFO: nalalapit na ang araws mo Florante!!

NARATOR: isang araw bago pasimulan ang pagtatanghal, si Adolfo ay hindi
dalawin ng antok laging sumasaisip niya ang maiitim na balak kay
Florante.

ADOLFO: bukas magiging ganap ang aking paghihiganti! Bukas.

NARATOR: At nang dumating na ang pagtatanghal ng dula, ipinakilala ang pangunahing tauhan ng kasaysayan si Florante.

MGA TAO: mabuhay si Florante! Mabuhay.

ADOLFO: magpakabusog kana sa puri Florante at katapusan mo na.

ANTENOR: magsisimula na ang ating dula kaya lahat ay pumwesto na.

NARATOR; at sakalagitnaan ng kanilang pagtatanghal...

ADOLFO: MAGPAKATATAG KA NA AT ITO NA ANG KATAPUSAN MO

NARATOR: Sa halip na sabihin ang nasa orihinal na ikaw’y kumilala;t
kapatid mo ako kay Epidong Bunga,” ang nawika ni Adolfo ay.....

ADOLFO: ikaw na umagaw ng kapurihan ko’y dapat kang mamatay! Umm Umm!...... Mamatay ka!.

MENANDRO: bitiwan mo iyan! Traidor, taksil.

ANTERNOR: anong nangyayari dito? Bakit Adolfo anong tinangka mong patayin ang iyong kababayan?

MENANDRO: isa kang baliw Adolfo!

ADOLFO: kailangang mawala siya pagkat siya ang umagaw sa karanangalan ko!

KAMAG-ARAL: isa kang habang, ulupong at sakim!..
Patayin si Adolfo. Patayin ang sukab!

NARATOR: hindi na nga inabot pa ng kinabukasan si Adolfo, noon din ay pina uwi sa Albanya.

ADOLFO: sa muli nating pagtatagpo ay titiyakin ko ang aking tagumpay, Florante titiyakin ko!

NARATOR: ANg buong Atenas ay nagilalas sa katampalasan ni Adolfo.

ANTENOR: hindi masama na ang isang tao ay magkaroon ng matayog na
layunin, ang masama ay ang tamuhin ang katuparan na niyon sa kapinsalaan
ng kapwa. Kung paano nagkaroon ng isang kain na pumatay sa kanyang
kapatid na si Abel ng dahil sa inggit, paano nga kayang hindi
magkakaroon ng isang Adolfong naghahangad ng pumatay sa kanyang sariling
kababayan! Kahanga-hanga ang ginawa ni Menandro, ito’y isang magandang
halimbawa ng pagkabayani.

FLORANTE: paano kaya kita magagantihan Menandro, kundi sa iyo ay isa na akong malamig na bangkay!

MENANDRO: iwaksi mo sa iyong isip ang bagay na iyan, dapat tayong mag
pasalamat sa dakilang lumkha! Ang lahat ay utang lamang sa diyos ako’y
kasangkapan lamang niya upang iligtas kasa kapahamakan!

MENANDRO: Florante, para ko ng nakikitang malapit ng dumating ang araw ng iyong pag-uwi

FLORANTE: sa palagay ko’y hindi ako makakauwi ng hindi ka kasama

MENANDRO: kung sumama kaya ako’y ipagkapuri mo naman kaya ako sa iyong mga kaibigan, sampu ng ama mong Duke?

FLORANTE: aba’y syempre ipapakilala kita.

Scene 4: ang Pagbabalik ni Florante

MENSAHERO: ipagapatawad niyo po ang aking pang aabala. may sulat po
galing kay Duke Briseo ng Albanya para kay Florante.
narito ang liham... : iyan ang katotohan anak, pumanaw na ang iyong
ina. Hindi ko na ito ipinaalam sa iyo noon upang huwag masira ang iyong
pag-aaral. Ang iyong AmaDuke Briseo

FLORANTE: wala na ang mahal kong ina. O mahabaging langit

ANTENOR: lakasan mo ang iyong loob Florante

MENANDRO: nakikiramay ako sa kalungkutan mo. Florante

NARATOR: napatingin sa malayo si Florante na wari ay natatanaw ang larawan ng kanyang ina.....

FLORANTE: ina, bakit hindi mo na ako hinintay. Hindi ba’t sinabi ko sa
iyong ako’y magbabalik upang handugan ka ng aking tagumapay.

MENANDRO: huwag masayadong malumbay Florante, hindi makakatulong sa katawa mo ang kalungkutan.

FLORANTE: salamat sa iyong paalala Menandro, isa kang dakilang kaibigan

NARATOR: nakaraan pa ng dalawang buwan, dumating ang ikalawang liham ni Duke Briseo.

FLORANTE: pinauuwi na po ako mahal kong guro, nasa daungan na raw po ang sasakyan

ANTENOR: florante sa pag babalik mo sa Albanya ay tandaan mong mayroon
kang isang kalaban, ang higanti ni Adolfo ay pakaingatan mo. At kung
ikaw ay salubungin ng ngiti, mag ingat ka pero wag kang magpapahalata,
lagi mong ihanda ang iyon sandata.

FLORANTE: salamat po sa iyong paggunita, siyanga pala Menandro, di ba sasama ka sa akin?

MENANDRO: ang pasiya lamang ng aking amain ang dapat nating hingin.

NARATOR: hindi na hinintay ni Antenor na tanungin siya ng dalawa. Noon
din ay pumayag na sumama si Menandro kay Florante, ilang saglit pa sa
daungan.

NARATOR: at ng sila’y makarating sa kaharian ng Albanya ay....

KAWAL: Duke Briseo narito po ang iyong anak na si Florante

FLORANTE: ama ko. Hindi ko akalain na ganito kapait ang ating pagkikitang muli.

DUKE BRISEO: anak ko sinubok tayo ng tadhana.

FLORANTE: marahil nga ama. Ama may gusto po akong ipakilala sa inyo siya po ang aking kaibigan si MENANDRO.

MENANDRO: ang aking kaliitan ay handang maglingkod a inyo

DUKE BRISEO: Nabalitaan ko na ang lahat, isa kang tunay na kaibigan,
nagtitiwala ako sa iyo Menandro. Bilang araw ay makagaganti rin kami sa
iyo.

KAWAL: Duke narito na po ang sugo.

SUGO: galing na po ako sa palasyo ni Haring Linceo na siyang nagsabi na narito kayo. Aalis na po ako.

FLORANTE: ano ang sinabi ama ko?

DUKE BRISEO: ito’y galing sa iyong ninuno na siyang Monarko sa Krotona,
kailangan niya ang tulong ni Haring Linceo. Nakubkob ng mga kaaway na
Moro ang Krotona sa pamumuno ng kilabot na si Heneral...

FLORANTE: Heneral Osmalik!

MENANDRO: ano ang pasya niyo mahal na Duke?
Scene 5: Nanganganib ang Krotona

NARATOR: hindi nag-aksaya ng sandali ang mag ama, noon din ay nagsadya
sila sa palasyo ni Haring Linceo at ng magkaharap sila ay...

HARING LINCEO: mabuti at nag sadya ka agad sa akin, ang Krotona ay
nangangailangan ng ating tulong. O duke... sino ang binatang kasama mo?
Ang kiyas na ito ay siyang kamukha ng bunying gerero, ang aking
napangarap na sabi sa iyo na magiging haligi ng sentro ko’t reyno

DUKE BRISEO: siya ang bugtong kong anak kararating lang mula sa Atenas.
Si Florante na inihahandog sa mahal mong yapak, ibilang na isang
basalyo’t na alagad.

FLORANTE: haring poon, pag-utusan po ninyo ako.

HARING LINCEO: mabuting pagdating, mula ngayon ay ikaw na ang halal kong Heneral ng aking hukbo, Florante.

LAURA: narito pala kayo, mahal kong ama.

HARING LINCEO: o laura anak ko

NARATOR: sa kagustuhan narin ng hari, ang magandang si Laura ay
nakaumpok nila sa pag-uusap na iyon kakaibang damdamin ang nadama ni
Florante. Halos litung lito at di tuwid mag salita si Florante at laging
sumusulyap sa kagandahan ni Laura at di lingid sa kanya ay gayun di ang
nadarama ni Laura.

FLORANTE: napakaganda niya. Ano kaya itong nararamdaman ko. Pag-ibig na ba ito.

LAURA: kay kisig na binata, sino kaya siya?

NARATOR: nang matapos ang kanilang pulong, umuwi na sila Florante.

NARATOR: di mapawi ang kanyang kalungkutan dahil malapit na ang digmaan
at hindi pa rin siya nakakapagtapat ng kanyang pag-ibig sa kanyang
minamahal nasi Laura. Ng minsang hindi sinasadyang magkita ang dalawang
nag iibigan ay..........

FLORANTE: anong hiwaga ng pagkakataon, parang hindi ako makapaniwala na ako’y humihinga pa sa mga ssandaling ito.

LAURA: nalalaman ko ang sanhi ng iyong kalungkutan, ipinagluluksa mo ang pagpanaw ng iyong ina.

FLORANTE: hindi iyon ang dahilan laura, ang kalunkutang nadarama ko ngayon ay nagsimula ng kita’y makilala.

LAURA: kung gayon kinalulungkot ko ang una nating pagkikita.

FLORANTE: hindi mo ako nauunawaan Laura, ang kalungkutan ko’y sanhi ng
aking damdaming inuukol sa iyo na hindi ko maipahayag! Subalit sa
pagkakataong ito, ikamamatay ko kung di mo mababatid na ikaw ay aking
iniibig Laura!....... Laura iniibig kita, at kung hindi kalabisan ay
nais kong bago ako magtungo sa larangan ay bigyan mo ng liwanag ang
isinamo ko.

LAURA: hindi ko nais na lumisan kang malungkot, Florante.

FLORANTE: kay ligaya ko, sapat na ang mga luhang iyan upang sabihin kong ako ang pinakamapalad sa daigdig.

LAURA; florante, lumakad ka na at umaasa kang patnunubayan ka ng aking mga dalanigin.

FLORANTE; ang iyong pag-ibig ang siyang magiging sandigan ng aking tagumpay, paalam.
Scene 6: ang digmaan

LAURA: diyos na mahabagin huwag mo pong itulot na mapahamak si florante. Patnubayan niyo po siya ng iyong mapagpalang kamay.

NARATOR: kinabukasan, ang hukbong patungo sa Krotona ay handang-handa na

NARATOR: ang mga kawal at si Florante kasama si Menandro ay tumungo na sa Krotona.

FLORANTE: iyan ang Krotona Menandro, kailangang magsipaghanda na tayo.

MENANDRO: gawin nating bigla ang pagsalkay upang malito ang mga kalaban.

NARATOR: at gaya ng kanilang plano. Tila limbas na nagsisilakay sina Florante at Menandro.

FLORANTE :Sugod mga Kasama!

NARATOR: Sa marahas na pagdaluhong nina Florante. Ang mga moro ay nagulo
at hindi matutuhan ang gagawin. Nakipaglaban ang lahat hanggang
magtapat sina Florante at Osmalik.

Mga kawal : Haaaa.....

HENERAL OSMALIK: kung ako ang hinahanap mo, magpakatatag ka na, mayabang na Heneral.

FLORANTE: ikaw pala ang sinasabi Osmalik, masusubukan ko ngayon ang tapang mo.

Mga kawal : Haaaa.....

FLORANTE: ito ang nababagay sa iyo haaaa. Ito na ang wakas mo, buhong. Uummm. Sayang na heneral.

MENANDRO: nagsitakas ang iba, nagtagumpay tayo, Florante!...... Isang
kilabot na girero Florante, nagapi mo ang bantog na Heneral ng mga Moro.

FLORANTE: ikaw naman Menandro, kahanga-hanga ang iyong tapang tayo na sa Palasyo.

6~ TAO: mabuhay. Mabuhay ang tagapagligtas.

Scene 7:

NARATOR: iniisip niya ang kanyang minamahal na si Laura. Bumalik sila agad sa palasyo ng......

FLORANTE: Menandro, hindi ba ako namamalik mata lamang? Tingnan mo. Ang watawat ng Moro ay nasa itaas ng palasyo ng Albanya.

MENANDRO: nasasakop ngayon ng moro ang Albanya. Pinasok nila habang tayo’y nasa Krotona.

KAWAL NG (A): tila may kasama silang babae, Heneral.

FLORANTE: hindi ko gaanong maaniga..... diyos ko.... si..... Laura, siya nga.

MENANDRO: si Laura nga Florante

FLORANTE: mamamatay kayong lahat sa ginawa niyo... haaaa.... Laura, aking Laura. Ano ang nangyari at?...

LAURA: florante, salamat at ako’y nailigtas nyo sa tiyak na kamatayan.
Ang buong kaharian ay nasa kamay ng mga Moro ang aking Ama at si Duke
Briseo ay kasalukuyang nakakulong.

FLORANTE: wag kang mag alala, ngayon din ay sasalakayin namin ang
palasyo! Mga kawal, mga kaibigan tayo’y maghanda. Tayo’y lulusob ngayon
sa palasyo upang gupuin ang mga Moro. Lumusob na tayo. Haaa.....

NARATOR: walang lakas at katapangan ang nakahadlang sa kanila. Ang mga
kaaway ay parang dinaanan ng salot . kabi kabila ang mga bangkay na
Moro. At pag katapos rin nu’y agad agad nilang pinasok ang palasyo upang
ilabas sa piitan ang Hari at Ama.

FLORANTE: Ama, hari nasaktan po ba kayo,

DUKE BRISEO: Florante, anak ko. maayos naman kami ng hari

HARI: salamat at inabot nyo kamingbuhay! Hindi ako nagkamaling hirangin
kang Heneral ng aking Hukbo. Ikaw nga mandirigma na dumalaw sa aking
panaginip.

NARATOR: Subalit may isang di natutuwa si Adolfo at.....

ADOLFO: talagang sakanya na humaling ang hangal na hari. Kung mayroon
mang anay na sumisira ng kahoy. Ako ang anay na yaon na sisira sa inyong
lahat.

NARATOR: ang tagumpay ni Florante ay sinundan pa ng lalong marami at
malaking kapanalunan. Labing pitong kaharian ang gumalang at sumuko sa
kanyang katapangan. Ilang buwan ang lumipas, muling sinalakay ang
Albanya, pumasok ang mga Turko sa pamumuno ni Heneral Miramolin. At sa
kahuli hulihan ay nanalo uli sila laban sa mga Mapanakop na nilalang.
Nasa kaharian ng Etolya sina Florante pagkatapos ng laban ng may
dumaring na liham galing kay Linceo.

Scene 8: ang taksil

KAWAL NG (A): Heneral may liham po galing Kay Haring Linceo.

FLORANTE: salamat.

MENANDRO: ano ang sabi Florante.

FLORANTE: pinauuwi ako sa Albanya at iwan ko raw sa iyo ang Hukbo. Paalam muna Menandro uuwi muna ako sa Albanya. Aalis na ako.

MENANDRO: nakakapagtaka naman yata. Hindi pinasama ang mga Hukbo.

NARATOR: nakarating na si Florante sa Albanya ngunit....

FLORANTE: ano ang ibig sabihin nito, hindi nyo ba ako kilala.

KAWAL NG (A): ikinalulungkot namin Heneral, subalit iyan ang pinag ustos sa amin ng Hari.

NARATOR: at sa laki ng kanyang pagkamangha ay kinulong siya sa isang madilim na bilanguan at dito niya nabatid na.

ADOLFO: magandang gabi, inutil na Heneral. Kamusta naman sa iyong kwarto. Maganda ba?

FLORANTE: Adolfo? bakit.. pano’t.. Bakit na sa iyo ang sentrong Korona.
Taksil ka. Pano mo nagawa iyan sa sarili mong bayan. Nasan ang hari at
ang aking ama?

ADOLFO: Florante... florante... kawawa ka naman at hulog ka sa aking
bitag. Alam mo pinugutan ko lang naman ang iyong ama at ang hangal na
Hari. Dahil hindi sila nararapat mamuno dito sa Albanya. Mga walang
utak..

FLORANTE: pakawalan mo ako dito, buhong Florante. pagbabayaran mo ito ng
mahal Adolfo. Ngunit hindi ko lubos na maisip kung paano naging Hari
ang isang duwag.

NARATOR: pagkalipas ng labing walong araw ay inilabas siya sa piitan at:.....

FLORANTE: saan niyo ako dadalhin?

KAWAL NG (A): ikaw ay isang billango at ang hatol sa iyo ay. Igapos sa madilim na gubat.

FLORANTE: at kailan pa siya nagkaroon ng kapangyarihag humatol.

KAWAL NG (A): gaya ng aking sinabi noon. Siya ang hari ngayon at dimagtatagal ay pakakasalan niya si Prinsesa Laura.

FLORANTE: ano... kailangan niyo ako! Patutunayan ko na di karapatdapat
mamuno si Adolfo. At di rin pakakasal si Laura sa Duwag niyong Hari.

KAWAL NG (A): huli ka na. Wala ka ng magagawa at sa palagay ko ito na ang ito na ang iyong katapusan.

Scene 9: gubat na mapanglaw

NARATOR: inilabas na ng piitan si Florante at idinala na siya sa madilim
na gubat at iginapos sa puno ng higera. At si Florante ay iniwan sa
gubat.

FLORANTE: diyos ko, anong uri ng kalupitan ang parusang ito.

NARATOR: parang nakikiramay ang kapaligiran sa kanya. Mistula itong
libingan na ang tanging maririnig ay huni ng ibon at mumunting hayop.
Isa man ay walang makadadamay sa kanya. Ang kanyang ama ay wala na, si
Menandro ay walang kaalam alam na naiwan sa Etolya at si Laura ay nasa
kapangyarihan ng malupit na Konde.

FLORANTE: laura, o aking laura! Malupit sa atin ang kapalaran. Sa pook na ito’y wala akong makitang pag-asa.

NARATOR: lumipas ang magdamag na di halos namalayan ni Florante. isang
pikit man ay di makatulog. Sa kabila ng nanghihinang katawan ay
pinipilit paring makatakas subalit wala siyang magawa..... Samantala sa
kabilang panig isag girero ang ....

ALADIN: napakadilim ng gubat na ito. Dito muna ako magpapalipas ng pagod.
(leon)

FLORANTE: ahhhh. Saklolo.

ALADIN: sino kaya iyon! Humuhingi ng tulong. Sandali lang.... nasapanganib siya.
(espada laban)

FLORANTE: si...sino ka? Ang kasuotan mo’y nagpapahiwatig ng Moro!

ALADIN: huwag kang matakot ligtas ka na sa panganib. Oo, isa nga akong
Moro na kaaway ng iyong lahi, subalit ngunit sa pagkakataong ito’y tao
rin ako na may puso at damdamin.

FLORANTE: sasalamat sa pagligtas mo sa akin.

ALADIN: walang anuman iyon. Mapanganib ang pook na ito, humanap tayo na
ligtas na pook. Kaibigan may natira pa akong pagkain. Heto kumain ka na.
Alam kung gutom na gutom kana.

FLORANTE: maraming salamat.

NARATOR: naging palagay ang loob ni Florante sa Girerong Moro. Naubos niya ang tinapay at nakatulog.

ALADIN: huwag kang mag alala kaibigan, babantayan kita magdamag!

NARATOR: sa pangambang baka masila ng mabangis na hayop binantayan ng Moro si Florante hanggang ito’y magising.

FLORANTE: hindi ka natulog? Kay buti mo, hindi ko malaman kung paano kita pasalamatan.

ALADIN: kaibigan, maaari mo bang sabihin sa akin kung bakit nagkaganito ka.

FLORANTE: kaibigan ang pangalan ko ay Florante, makinig ka sa isasalaysay ko ang aking buhay mula sa kamusmusan.

NARATOR: isinalaysay ni Florante, ang kanyang buhay, mula pagkabata
hanggang lumaki, ang mga nangyari sa kanya, at kung paano siya nakapunta
sa gubat.

FLORANTE: at sa tuwing maaalala ko si Laura ay halos mawalan ako ng diwa.

ALADIN: masalimuot pala ang pinagdaanan ng iyong buhay, Florante.

FLOARANTE: at sa maraming digmaan sinuungan ko’u isa na si Heneral
Osmalik sa aking nagapi, na ayon sa Balita ay siyang pangalawa sa tapang
ni Aladin!

ALADIN: huwag kang maniwala sa mga balita, sakaling totoo man ay maraming dag dag.

FLORANTE: at ayon pa nga sa balita ay walang kasing bangis si Aladin.

ALADIN: yayamang natalos ko ang iyong buhay, pakinggan mo naman ang aking kapalaran.

FLORANTE: ikaliligaya kong mabatid kaibigan.

ALADIN: florante ang Aladin na iyong binabanggit na bantog sa persiya ay.... ako.

FLORANTE: i........ ikaw?

ALADIN: ako nga florante si Aladin, na katulad mo isa ring sawi.

FLORANTE: Diyata’t ang kaharap ko’y ang kilabot na mandirigma ng Persiya.
ALADIN: ang akin namang kasawian ay dahil naman sa aking amang sultan na si Ali-adab. Siya ang umagaw sa mahal kong si Flerida.

NARATOR: isinalaysay ni Aladin ang ilang bahagi ng kanyang kahapon kay
Florante. pati narin ang dahilan ng alitan nilang mag ama.
Samantala sa kabilang banda sa etolya....

MENADRO: mukhang nagkakasiyahan kayo.

KAWAL: may Liham galing kay Laura

MENANDRO: kay Laura???? Tama nga ang aking hinala.. mga kawal.. mga kawal maghanda kayo ngayun din at lulusob tayo sa Albanya.

NARATOR: at ng , sila’y makarating sa kaharian ng Albanya...

MENANDRO: sugoooood! Patayin ang mga taksil

NARATOR: habang nagkakagulo ang ,mga tao sa Albanya itinakas ni Adolfo si Laura

ADOLFO: magiging akin ka ngayon

LAURA: bitiwan mo ako. Halimaw.

FLERIDA: bitiwan mo siya. Nilalang. Isa kang Halimaw. Ito ang nababagay sa iyo.

LAURA: maraming salamat... ummm..

FLERIDA: flerida

LAURA: maraming salamat Flerida. Kung hindi dahil sa iyo na ituloy ni
Adolfo ang kanyang masamang balak. Ahh. Siya nga pala ako nga pala si
Laura

NARATOR: nagpalagayang loob ang dalawang dalaga at sanhi narin ng
pangyayari isinalaysay nilang pareho ang kani kanilang karanasan bago
ang pagkakataong iyon.

ALADIN: at ng gabing iyon ay nilisan ko na ang Persiya at nilakbay ang madilim na gabi...

FLORANTE: hintay wala ka bang naririninig?

ALADIN: oo nga, tena at ating pakinggan!

NARATOR FLERIDA: subalit sadyang hindi ko matanggap ang pag-ibig ng
sultan. Ninais ko pang magpakamatay ngunit paano si Aladin.. hanggang sa
maisipan ko ang tumakas. Nilandas ko ang kaparangan at kabundukan
hanggang marating ko ang kagubatan at...

LAURA: isa ka rin palang sawing nalayo sa iyong tunay na minamahal

FLORANTE: diyata’t si Laura ang narinig ko.

ALADIN: at kasama niya ang muyta kong si Flerida.

FLORANTE: laura o aking laura

LAURA: Florante

ALADIN: flerida

FLERIDA: Aladin

NARATOR: walang pagsidlan ng galak ang apat sa kanilang muling pagtatagpo at ang madawag na gubat na iyon ay naging paraiso.

LAURA: o florante, mula ng lumisan ka ay nagkaroon na ng gulo sa Albanya.

FLORANTE: Gulo? Anong gulo ang naganap mahal kong Laura?

NARRATOR: sa gitna ng pananabik sa muli nilang pagkikita. ikinuwento ni
Laura ang mga nangyari sa Albanya habang siya ay nakikipag digma sa
Etolya.... ang hindi nakaligtas sa matalas na pandinig ni Aladin
ang......

ALADIN: teka, tila mga yabag ng maraming kabayo ang tunog na iyon.

FLORANTE: oo nga! Dali! Magsipag kubli tayo!

NARRATOR: at mula sa kanilang pinagkukublihan, ay ito ang kanilang nakita.....

FLORANTE: teka, tila namumukaan ko ang nangunguna. Oo nga, si..... si Minandro!

FLORANTE: Minandro,

MINANDRO: Florante. oh kaibigang Florante, ang akala ko’y hindi na tayo magkikita.

FLORANTE: Minandro, salamat.... salamat sa pagdatin nyo.

MINANDRO: pagkaalis mo’y isang sulat ang tinanggap ko, mula kay Laura,
doon ko nabatid ang inilaang patibong ni Adolfo para sayo. Hindi ako nag
aksaya ng panahon, tinipon ko ang dating hukbo at noon din ay sinalakay
namin ang Albanya. At hindi kami na bigo, naibagsak namin ang mga kabig
ni Adolfo. Hinahanap ko kayo pati na si Adolfo subalit hindi ko kayop
matagpuan.

LAURA: kasalukuyan akong itinatakas a palasyo ng itakas ako’t dalhin ni
Adolfo sa gubat at dito ako nakita ni Flerida. Na siyang nagligtas sa
akin.

MENANDRO: kay ganda ng pagkakataon ngayon, wala ng liligalig sa bayan ng albanya

FLORANTE: menandro.

MENANDRO: florante,

KAWAL NG A.: MABUHAY SI Florante, MABUHAY SI prinsesa Laura

NARATOR: at nilisan nila ang madawag na kagubatang iyon upang magbalik
sa Albanya. Gayon na lamang kanilang kagalakan ng matanaw na nila ang
Albanya. Sa pagpasok nila ang lungsod ay sinalubong sila ng di
magkamayaw ng mga mamamayan.

MAMAMAYAN SA ALBANYA: mabuhay ang bagong hari, mabuhay sina Florante at Laura.

NARATOR: at di naglipat araw ang dalawang puso ay pinag tali, sina
florante at Laura, Aladin at Flerida. Pagkatapos ng malaking pigging sa
Palasyo ay nagpaalam na sina aladin at Flerida..

ALADIN: paalam na florante, laura, hanggang sa muli nating pagkikita

FLORANTE: pagpalain kayo ni Bathala aladin, flerida.

NARATOR: AT SI Florante at Laura ay naging uliran sa pamamahala ng
kaharian, malaki ang isinulong ng Albanya. Magbuhat noon ay di na
humiwalay sa kanila ang kaligayahan.

Unknownnoreply@blogger.com86tag:blogger.com,1999:blog-6626091341607028812.post-91698757650256829192012-12-04T21:05:00.000-08:002012-12-04T21:08:04.930-08:00BUOD NG BAWAT ARALIN

Kay Celia

Kapag
naaalaala ng makata ang nakaraan, iisang babae ang binabalikan niya sa
gunita, si Celia lamang. Matamis ang kanilang pag-iibigan at masaya
sila habang namamasyal sa Ilog Beata at Hilom. Ngunt ngayo’y di
mapigilan ng makata ang pagluha kapag naiisip na baka naagaw na ng iba
ang pag-ibig ni Celia. Dahil sa kalungkutan, natutong magsulat ng tula
ang makata. Inihahandog niya ang tulang ito kay Celia, na ang sagisag ay
M.A.R.(Maria Asuncion Rivera)

Sa Babasa Nito

Nagpapasalamat ang makata sa mga babasa ng kanyang awit. Ang kanyang
akda ay parang bubot na prutas sa unang tingin ngunit masarap kapag
ninamnam. Hinihiling ng makata na huwag babaguhin ang kanyang berso at
pakasuriin muna ito bago pintasan. Kung may bahaging di malinawan,
iminumungkahi niyang tumingin lamang ang mambabasa sa ibaba ng pahina at
may paliwanag doon. Ipinakiusap din niya na huwag babaguhina ng mga
salita sapagkat sa halip na mapabuti ay baka sumama pa ang akda.

Sa Mapanglaw na Gubat

Nagsisimula ang awit sa isang madilim at mapanglaw na gubat na di halos
mapasok ng sikat ng araw. Madawag ang gubat at maraming puno ng higera
at sipres. Maraming hayop dito, tulad ng ahas, basilisko, hyena, tigre
at leon. Sa isang punong higera sa gitna ng gubat, naktali ang paa,
kamay at leeg ng isang guwapong binata, na may makinis na balat at kulay
gintong buhok. Sayang walang mga nimpa sa gubat na makapagliligtas sa
binata.

Ang Reynong Albanya

Umiiyak ang binatang nakagapos. Sinabi niyang naghahari ang kasamaan sa
kahariang Albanya. Bawal magsabi ng totoo, may parusa itong kamatayan.
Kagagawan ni Konde Adolfo ang lahat, sapagkat ibig nitong mapasakanya
ang kapangyarihan ni Haring Linseo at ang kayamanan ni Duke Briseo na
ama ng nakagapos.

Sawing Kapalaran

Nakikiusap ang binatang nakagapos na ibagsak ng kalangitan ang poot nito
at parusahan ang masasama. Alam niyang lahat ng nangyayari ay sa
ikabubuti ng lahat kaya’t nakahanda siyang magdusa. Ang tanging hiling
niya ay sana, maalaala siya ng minamahal na si Laura. Kung naiisip
niyang iniiyakan ni Laura ang kanyang pagkamatay, para na rin siyang
nagkaroon ng buhay na walng hanggan. Ngunit ang labis na ipinaghihirap
ng kanyang loob ay ang hinalang baka naagaw na ng kanyang karibal na si
Adolfo ang pagmamahal ni Laura.

Mga Hinaing ng Lalaking Nakagapos

Larawan
ng kalungkutan at pagseselos ang binatang nakagapos. Isinigaw niya sa
buong kagubatan ang kanyang sama ng loob dahil tila nalimot na siya ni
Laura, ngayon pa namang kailangan niya ito. Noon, kapag patungo sa
digmaan, ang binata ay pinababaunan ni Laura ng luha at ng bandang may
letrang L at mahahalagang bato. Pagkagaling sa labanan, munting galos ng
binata ay huhugasan agad ni Laura ng luha. At kung nalulungkot ang
binata pinipilit siyang aliwin ni Laura.

Halina, Aking Laura

Ibig
ng binatang nakagapos na muling ipakita ni Laura ang dating
pag-aalaala sa kanya. Ngunit natatakot ang lalaki na baka naagaw na ni
Adolfo so Laura. Kaya’t nasabi niyang pasasalamatan pa niya si Adolfo
pahirapan man siya nang husto, huwag lamang agawin si Laura. Lumuha ng
lumuha ang lalaki hanggang sa siya’y mapayukayok.

Ang Pagdating ng Gerero

Nagkataong
dumating sa gubat ang isang mandirigma o gerero na sa pananamit ay
masasabing isang Morong taga-Persiya. Naupo ito sa lilim ng isang puno
at lumuluhang naghimutok. Nagbanta siya na sino mang umagaw sa
pagmamahal ng babae ay papatayin niya, maliban sa kanyang ama.
Naihimutok ng gererong Moro na sadyang napakalaki ng kapangyarihan ng
pag-ibig. Kahit mag-aama’y nag-aaway nang dahil sa pag-ibig.

Duke Briseo—Mapagkandiling Ama

Nang
huminto sa paghihimutok ang gerero, nagulat pa ito sa sumalit na
buntung hininga ng lalaking nakagapos. Moo’y ginugunita ng nakagapos ang
amang mapagmahal na ipinapatay ni Adolfo. Pinaghiwa-hiwalay ang ulo,
katawan at mga kamay ng kanyang ama at walang nakapangahas na ito’y
ilibing. Ngunit hanggang sa huling sandali, tanging kapakanan ng
kaisa-isang anak ang nasa isip ng ama.

Panaghoy ng Gereo

Naalaala
rin ng gerero ang sariling ama na kaiba sa ama ng lalaking nakagapos ay
di nagpakita ng pagmamahal sa anak minsan man. Ang lalong masakit, ang
kanyang ama pa ang umagaw sa babaing kanyang pinakamamahal. Maagang
naulila sa ina ang gerero kaya’t di siya nakatikim ng pagmamahal ng
magulang. Naputol ang iniisip ng gerero nang marinig sa nakagapos na
malibing man ito ay patuloy pa ring mamahalin si Laura.

Sa Harap ng Dalawang Leon

Dalawang
leon ang papalapit sa nakagapos ngunit parang naaawang napahinto ang
mga ito sa harap ng lalaki. Sa harap ng nagbabantang kamatayan sa pangil
ng mga leon, nagpaalam ang binata sa bayang Albanya na pinaghandugan ng
kanyang paglilingkod at kay Laura. Sinabi ng binata na ang lalong
ipinaghihirap ng kanyang loob ay ang pangyayaring haharapin niya ang
kamatayan nang di angkin ang pag-ibig ni Laura.

Ang Pagliligtas sa Lalaking Nakagapos

Hindi
na natiis ng gerero ang naririnig na daing. Kaya’t hinanap niya ang
pinanggagalingan ng tinig. Pinagputol-putol ng gerero ang mga dawag
hanggang marating ang kinaroroonan ng nakagapos. Anyong sisilain na ng
dalawang leon ang binata na sa tindi ng hirap ay nawalan ng malay.
Pinagtataga ng gerero ang dalawang leon hanggang sa mapatay. Pagkatapos
kinalagan nito at kinalong ang binata.

Sa Kandungan ng Gerero

Nang matauhan ang binata, si Laura agad ang unang hinanap. Nagulat pa
ito nang mamalayang nasa kandungan siya, hindi ni Laura, kundi ng isang
Moro. Ipinaliwanag ng gerero na di niya natiis na di tulungan ang
binata, sapagkat magkaiba man sila ng pananampalataya, nakaukit din
sakanyang puso ang pagtulong sa kapwa, gaya ng iniuutos ng Langit ng mga
Kristiyano. Sa halip na magpasalamat, isinagot ng binata na higit pang
ibig niyang mamatay sa laki ng hirap na dinaranas. Sa narinig na ito,
napasigaw ang gerero.

Paglingap ng Gerero

Walang
kibuan ang dalawa hanggang sa lumubog ang araw. Dinala ng gerero ang
binata sa isang isang malapad at malinis na bato. Dito pinakain ng Moro
ang binata na di nagtagal ay nakatulog sa kanyang kandungan. Magdamag na
binantayan ng gerero ang binata, na tuwing magigising ay naghihimutok.
Nang magising kinaumagahan, nakapagpanibagong lakas na ang binata.
Itinanong ng Moro ang dahilan ng paghihirap ng loob nito.

Kamusmusan ni Florante

Isinalaysay
ng binata ang kanyang buhay. Siya’y si Florante, nag-iisang anak ni
Duke Briseo ng Albanya, at ni Prinsesa Floresca ng Krotona. Sa Albanya
siya lumaki at nagkaisip. Ang kanyang ama’y tanungan o sanggunian ni
Haring Linseo at tumatayong pangalawang puno sa kaharian. Isang
matapang na pinuno at mapagmahal na ama si Duke Briseo.

May ilang mahalagang pangyayari noong bata pa si Florante. Nang sanggol
pa’y muntik na siyang madagit ng isang buwitre ngunit nailigtas siya ng
pinsang si Menalipo. Isang araw, isang ibong arkon ang biglang pumasok
sa salas at dinagit ang kanyang dyamanteng kupido sa dibdib. Nang siya’y
siyam na taon na, pinalili[pas niya ang maghapon sa pamamasyal sa
burol. Bata pa’y natuto na siyang mamana ng mga ibon at iba pang hayop.
Naging mapagmahal siya sa kalikasan.

Ang Laki sa Layaw

Lumaki sa galak si Florante. Ngunit ngayon niya naisip na di dapat
palakhin sa layaw ang bata sapagkat sa mundong ito’y higit ang hirap
kaysa sarap. Ang batang nasanay sa ginhawa ay maramdamin at di
makatatagal sa hirap.

Alam ito ni Duke Briseo. Kaya’t tiniis nito ang luha ng asawa at
masakit man sa loob na mawalay sa anak, ipinadla siya ng ama sa Atenas
upang doon mag-aral.

Pag-aaral sa Atenas

Labing-isang taong gulang si Florante nang ipadala sa Atenas upang
mag-aral. Ang naging guro niya rito ay si Antenor. Isa sa mga estudyante
rito ay ang kababayang si Adolfo, na nang una ay nadama na si Florante
na tila pakunwari lamang ang kabaitan ni Adolfo. Anim na taon sa Atenas
si Florante. Sa loob ng panahong ito, natuto siya ng pilosopiya,
astrolohiya at matematika.

Tangkang Pagpatay kay Florante

Nanguna si Florante sa katalinuhan at dinaig niya maging si Adolfo.
Napabalita ang una sa buong Atenas. Dito na lumabas ang tunay na
pagkatao ni Adolfo. Sa isang dulang ginampanan nina kapwa ni Florante,
pinagtangkaan nitong patayin ang huli. Salamat at nailigtas siya ng
kaibigang si Menandro. Kinabukasan din, umuwi sa Albanya si Adolfo.

Namatay si Ina

Naiwan sa Atenas si Florante at nagtagal doon nang isang taon pa. isang
araw, tumanggap ng liham si Florante mula sa ama. Sinasabi sa sulat na
namatay ang kanyang ina. Nawalan ng malay si Florante sa tindi ng
kalungkutan. Hindi nakabawas sa kanyang kalungkutan ang tapat na
pakikiramay ng guro at mga kamag-aral.

Mga Tagubilin ng Maestro

Pagkaraan ng dalawang buwan ng matinding kalungkutan para kay Florante
dumating ang ikalawang sulat ng kanyang ama, kasama ang sasakyang
sumundo sa kanya. Bago umalis pinagbilinan si Florante ng gurong si
Antenor na pakaingatan ng una si Adolfo sapagkat tiyak itong
maghihiganti. Idinagdag pang huwag padadala si Florante sa magiliw na
pakikiharap. Pinayuhan siyang lihim na maghanda nang hindi
nagpapahalata.

Pinayagan ni Antenor si Menandro na sumama kay Florante. Ang
magkaibigan ay inihatid ng kanilang mga kamag-aral hanggang sa daungan.

Paghingi ng Tulong ng Bayang Krotona

Di
nagtagal nakarating sa Albanya ang magkaibigan. Pagkakita sa ama,
napaluha si Florante nang muling manariwa ang sakit ng loob sa
pagkamatay ng ina. Noon dumating ang sugo ni Haring Linseo, dala ang
sulat ng Hari ng Krotona na humihingi ng tulong sapagkat nilusob ang
Krotona ni Heneral Osmalikng Persiya. Pangalawa ito ng bantog na si
Prinsipe Aladin na hinahangaan ni Florante at ayon sa balita’y kilabot
sa buong mundo. Sa narinig, napangiti ang Moro at nagsabing bihirang
magkatotoo ang mga balita at karaniwang may dagdag na.

Nagtungo sa palasyo ng Albanya ang mag-ama. Doon masakit man sa loob,
pumayag din ang ama ni Florante nang ito’y hirangin ng hari na heneral
ng hukbo.

Ang Kariktan ni Laura

Nakilala ni Florante ang anak ng hari na si Laura, isang dalagangkaagaw
ni Venus sa kagandahan, isang kagandahang mahirap isiping
makapagtataksil.

Sa
harap ng kagandahan ni Laura, laging nagkakamali ng sasabihin si
Florante sapagkat natatakot siyang baka di maging marapat sa dalaga.

Paghahanda Patungong Krotona

Tatlong
araw ang piging ng hari para kay Florante. Sa loob ng panahong ito ay
di man lamang nakausap ni Florante nang sarilinan si Laura. Sa
kabutihang-palad, isang araw bago umalis sina Florante upang makidigma,
nakausap nito ang dalaga at pinagtapatan ng pag-ibig. Hindi sumagot ng
‘oo” ang dalaga ngunit lumuha siya nang umalis si Florante patungong
digmaan.

Madugong Paglalaban

Dahil sa luhang pabaon ni Laura, natiis ni Florante ang kalungkutang
bunga ng pagkawalay sa minamahal. Pagdating sa digmaan, naabutan ng
hukbo nina Florante na halos mawasak na ang kaaway ang kuta ng Krotona.
Ngunit magiting na nagtanggol si Florante at ang kanyang mga kawal
hanggang sa hamunin ni Osmalik si Florante na silang dalawa ang
magharap. Limang oras silang naglaban hanggang sa mapatay ni Florante si
Osmalik. Ipinagbunyi ng taong-bayan si Florante lalo nang malamang
ito’y apo ng hari ng Krotona. Ngunit nahaluan ng lungkot ang kanilang
kagalakan nang magkita ang maglolo. Muling nanariwa ang kirot ng
pagkamatay ng ina ni Florante. Dito naisip ni Florante na walang lubos
na ligaya sa mundo.

Pagkaraan ng limang buwan sa Krotona, nagpilit nang bumalik sa Albanya
si Florante upang makita si Laura. Ngunit nang malapit na at natatanaw
na ang moog ng Albanya, biglang kinutuban si Florante.

Tanggulang ng Syudad

Hindi nagkamali ang kutob ni Florante. Nakawagayway sa Albanya ang
bandilang Moro. Pinatigil muna ni Florante ang kanyang hukbo sa paanan
ng bundok. Mula roon natanaw nilang tila pupugutan ng ulo ang isang
babae. Dali-daling lumusob sina Florante at ginapi ang mga Moro.
Naligtas ang babae na walng iba kundi si Laura. Papupugutan ng ulo ang
dalaga sapagkat tinanggihan nito ang pag-ibig ng emir at ito’y sinampal
pa. noon binigkas ni Laura ang “sintang Florante.”

Pinawalan ni Florante ang hari, ang kaniyang ama at ang iba pang
bilanggong kinabibilangan ni Adolfo. Lalong nainggit si Adolfo kay
Florante hindi lamang dahil sa papuring tinanggap kundi dahil nakamit pa
niya ang pag-ibig ni Laura. Dahil dito, muling nagbalak si Adolfo na
ipahamak si Florante.

Ang Kasamaan ni Adolfo

Pagkalipas ng ilang buwan, lumusob ang hukbo ng Turkiya sa pamumuno ni
Miramolin. Ngunit tinalo si Florante si Miramolin. Naging sunod-sunod
ang tagumpay ni Florante hanggang sa umabot sa 17 ang mga haring
nagsigalang sa kanya.

Isang araw, nasa Etolya si Florante at ang kanyang hukbo nang dumating
ang sulat ng hari na nagpapauwi sa kanya. Iniwan niya ang hukbo kay
Menandro. Ngunit pagdating sa Albanya, nilusob siya ng 30,000 sandatahan
at noon di’y ibinilanggo. Noon niya nalamang ipinapatay ni Adolfo si
Haring Linseo at ang kanyang amang si Duke Briseo. Si Laura nama’y
nakatakdang ikasal kay Adolfo. Labingwalong araw na ipiniit si Florante.
Pagkaraan, itinali siya sa gubat na kinatagpuan sa kanya ng gererong
Moro.

Ang Paghihirap ni Aladin

Nang matapos magsalaysay si Florante, nagpakilala ang Moro. Siya si
Aladin mula sa Persiya na anak ni Sultan Ali-Adab. Sinabi ni Aladin na
yamang kapwa sila sawi ni Florante, mamuhay na silang magkasama sa
gubat. Noon isinalaysay ni Aladin ang kanyang pinagdaanang buhay.
Ikinuwento niya ang pakana ng sarili niyang ama upang maagaw sa kanya si
Flerida. Ipinapakulong siya nito sa bintang na iniwan niya ang hukbo sa
Albanya kahit wala pang utos ng sultan. At nang mabawi ni Florante ang
Albanya, hinatulang pugutan ng ulosi Aladin. Pinatawad siya sa
kondisyong aalis siya sa Persiya noon din. Bagama’t nakaligtas sa
kamatayan, higit pang ibig ni Aladin na mamatay kaysa maagaw ng iba ang
pagmamahal ni Flerida.

Ang pagtakas ni Flerida

Natigil
sa pag-uusap ang dalawa nang marinig ang dalawang babaing nag-uusap.
Ayon sa isa, nang malaman niyang papupugutan ng ulo ang kanyang
minamahal, nagmakaawa siya sa sultan. Pumayag ang sultan na patawarin
ang nobyo ng babae, kung papayag itong pakasal sa sultan. Walang nagawa
ang babae kundi ang sumang-ayon. Ngunit nakaalis ang kanyang nobyo nang
di sila nagkausap. Nang gayak na ang kanilang kasal tumakas ang babae na
nakadamit-gerero. Ilang taon siyang naglagalag sa mga bundok at gubat
hanggang sa mailigtas niya ang kausap.

Noon biglang sumulpot sina Florante at Aladin. Sa di inaasahang
pagtatagpong iyon, di masusukat ang kaligayahan ng apat na tauhan.

Pagliligtas kay Laura

Si
Laura naman ang nagsalaysay. Ayon sa kanya, napapaniwala ni Adolfo na
gugutumin ng hari ang taong-bayan kaya’t nagkagulo ang mga ito. Kasunod
ng pagkakagulo, ipinapatay ni Adolfo ang hari at ang matatapat na alagad
nito. Inagaw ni Adolfo ang pagkahari at pinilit si Laurang pakasal sa
kanya. Hindi nagpapahalata ng tunay na niloloob, pumayag si Laura ngunit
humingi ng limang buwang palugit upang magkapanahong mapauwi si
Florante. Sa kasamaang-palad, nahulog si Florante sa pakana ni Adolfo at
naipatapon. Handa nang magpakamatay si Laura nang dumating si Menandro
na siyang nakatanggap ng sulat ni Laura kay Florante. Tumakas si Adolfo,
tangay si Laura na pinagtangkaang abusuhin sa gubat na iyon. Siya
namang pagdating ni Flerida. Pinana nito si Adolfo na namatay noon din.

Masayang Wakas

Matapos ang pagkukuwento ni Laura, dumating si Menandro na may kasamang
hukbo. Laking tuwa nito nang makita ang kaibigang si Florante.
Ipinagbunyi ng hukbo ang bagong hari na si Florante. Ipinagsama nina
Florante sa Albanya sina Aladin at Flerida na kapwa pumayag na maging
Kristiyano. Nakasal sina Florante at Laura at sina Aladin at Flerida.
Umuwi sa Persiya sina Aladin at Flerida nang mamatay si Sultan Ali-Adab.
Nagpasalamat sa Diyos ang mga mamamayang nasisiyahan sa pamumuno nina
Florante at Laura.

Nagwakas ang awit sa hiling ng makata sa kanyang Musa na dalhin kay Celia ang kanyang “Ay!...Ay!”

Unknownnoreply@blogger.com31tag:blogger.com,1999:blog-6626091341607028812.post-24644324741178084032012-12-04T20:53:00.002-08:002012-12-04T20:54:58.156-08:00BUOD NG FLORANTE AT LAURA

Florante at Laura

Buod

May-akda

Francisco Balagtas

Bansa

Pilipinas

Wika

Tagalog

(Mga) Uri

Tula, Kathang-isip

Ang Florante at Laura ni Francisco Baltasar (na kilala din bilang Balagtas) ay isang obra-maestra sa panitikang Pilipino. Daglat lamang ang katawagang Florante at Laura sapagkat binigyan ito ng aktuwal at buong pamagat na:

Pinagdaanang búhay ni Florante at ni Laura sa kahariáng Albanya: Kinuhà sa madláng cuadro histórico o pinturang nagsasabi sa mg̃á nangyari nang unang panahón sa imperyo ng̃ Gresya, at tinulâ ng̃ isáng matuwaín sa bersong Tagálog.

Isa itong mahabang tulang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat ng mga korido[1] (corridos[2]) sa Pilipinas noong ika-19 dantaon, ayon kay Fray Toribio Minguella, isang paring Rekolekto[3] at pilologo[4][5]

Mga nilalaman

1 Kasaysayan

1.1 Unang Paglimbag

2 Paglalarawan

3 Buod

4 Mga tauhan

5 Ang akda at mga bayani

6 Mga sanggunian

7 Mga kawing panlabas

Kasaysayan

Ayon sa kay Epifanio de los Santos (isang historian),
nalimbag ang unang edisyon ng “Florante at Laura” noong 1838. May 50
taong gulang na si Francisco Baltasar ng panahong iyon. Noong 1906,
nalimbag naman ang “Kung Sino ang Kumatha ng ‘Florante’” ni dalubhasang
sa Tagalog na si Hermenegildo Cruz, sa tulong ni Victor Baltasar, anak
ni Francisco Baltasar, at ng iba pang kasapi sa mag-anak ng huli.[5]

Unang Paglimbag

Maraming lumabas na mga edisyon ng Florante at Laura na nasa wikang
Tagalog at Ingles, subalit natupok ang mga ito noong 1945, nang magwakas
ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sapagkat kabilang nga ito sa mga
korido noong ika-19 dantaon, nalimbag lamang ang mga kopya ng akda ni
Baltasar sa mga mumurahing klase ng papel (papel de arroz ayon
kay Epifanio de los Santos) na yari sa palay na ipinagbibili tuwing may
misa at mga kapistahan sa halagang 10 centavo bawat isa. Natatanging ang
Aklatang Newberry ng Chicago, Estados Unidos lamang ang nakapagtabi ng
mga kopya nalimbag noong 1870 at 1875, kabilang sa tinatawag na
Koleksiyong Ayer. Nabanggit ang mga kopyang ito sa Biblioteca Filipina
ni T. H. Pardo de Tavera. Magkatulad na magkatulad ang kopyang pang-1870
at ang gawa noong 1875.[5]

Nalilimbag ang pamagat ng bersyong pang-1870 sa ganitong paraan ng pagbabaybay:[5]

PINAGDAANANG BUHAY NI FLORANTE AT LAURA, SA CAHARIANG ALBANIA.

QUINUHA SA MADLANG CUADRO HISTORICO O PINTURANG NAGSASABI SA MANGA NANGYAYARI NANG UNANG PANAHON SA IMPERIO NANG GRECIA.

at tinula nang isang matouain sa versong tagalog.

Paglalarawan

Pangunahing tagpuan ng Florante at Laura ang madilim na gubat ng Quezonaria, at ang nagsasalaysay ay mismong si Florante, habang nakikinig naman ang muslim na si Aladdin. Batay ang pagsasalaysay ng tauhan ng kuwentong si Florante
mula sa sariling karanasan at kasawian ni Francisco Baltasar, sapagkat
nakulong ang huli dahil sa bintang ni Mariano Kapule (kaagaw ni Selya)
at kawalan ng katarungan - si Maria Asuncion Rivera o MAR - ay napakasal kay Mariano Kapule o Nano Kapule, na isang karibal sa pag-ibig. Isinulat ni Baltasar ang Florante habang nasa piitan.

Buod

Kinakailangang isulat muli ang artikulong ito.

Pag-usapan ang mga pagbabago sa pahina ng usapan.

Nagsimula ang kuwentong patula sa isang madilim na kagubatan. Nakatali si Florante, isang taga-kaharian ng Albanya, sa isang puno ng Higera, habang namimighati sa pagkawala ng kaniyang amang si Duke Briseo. Halos ikabaliw niya ang pagkakaisip na mapasakamay ng kaaway niyang si Konde Adolfo ang kaniyang minamahal na si Laura. Anak si Konde Adolfo ni Konde Sileno.

Narinig ng isang moro, na naglalakbay noon sa kagubatan, ang mga pagtangis ni Florante. Aladin ang pangalan ng moro, na naantig ng mga pananalita ni Florante. Dalawang mga gutom na liyon ang biglang umatake kay Florante subalit naligtas ni Aladin ang binata. Nawalan ng malay tao si Florante. Nagpasya si Aladin na pangalagaan si Florante hanggang sa manumbalik ang lakas nito.

Nang lubusang gumaling si Florante, nagulat siya noong una nang mapagmasdan ang morong si Aladin.
Hindi siya makapaniwalang ang isang kalaban ng mga Kristiyano ang
kaniyang naging tagapagligtas sa tiyak na kamatayan. Matapos ang ilang
mga pagpapaliwanag, naging lubos ang pasasalamat ni Florante kay Aladin,
at dito siya nagsimulang magsalaysay hinggil sa kaniyang buhay. Bilang
anak ng isang prinsesa at ng isang tagapag-payong maharlika, lumaking
masiyahin at puno ng pagmamahal at kalinga si Florante. Sapagkat mahilig ngang maglaro noong may anim na gulang pa lamang, muntik na siyang mapaslang ng isang buwitreng nagtangkang dumagit sa batong hiyas na nasa dibdib ni Florante. Sa kabutihang palad, nasagip siya ng pinsang si Menalipo, isang mamamana mula sa Epiro.

Sa edad na 11, ipinadala si Florante ng kaniyang mga magulang - na sina Duke Briseo at Prinsesa Floresca – sa Atenas, Gresya upang mag-aral sa ilalim ng kilalang guro na si Antenor. Sa Atenas niya natagpuan si Adolfo, na nagmula rin sa bayan ni Florante. Si Adolfo ang pinakamatalinong mag-aaral sa paaralan nang mga panahong iyon, subalit makaraan lamang ang anim na taon, nalampasan na ni Florante ang mga kakayahan, kagalingan at katalinuhan ni Adolfo. Nagtamo ng katanyagan at pagkilala si Florante, na lubhang hindi ikinatuwa ni Adolfo.

Habang gumaganap sa isang dulang pampaaralan, pinagtangkaang patayin ni Adolfo si Florante. Sa kabutihang palad, madaliang nakapamagitan si Menandro, ang kaibigan ni Florante. Dahil sa pagkaunsiyami ng balak, umuwi si Adolfo sa Albanya. Pagkalipas ng isang taon, nakatanggap si Florante ng isang liham mula sa ama na naglalahad ng balitang pumanaw na ang kaniyang inang si Prinsesa Floresca. Bagaman namimighati, naghintay ng dalawang buwan bago nakabalik si Florante sa Albanya. Sumama si Menandro kay Florante. Sa pagsapit nila sa Albanya, isang kinatawan ng kaharian ng Krotona ang humiling ng pagtulong mula kay Florante hinggil sa nalalapit na digmaan laban sa mga Persyano. Wala kakayahang tumanggi si Florante sapagkat lolo niya ang hari ng Krotona.

Sa kaniyang paglalagi sa Albanya, naimbitahan si Florante sa palasyo ng hari, kung saan nabighani siya sa pagkakakita kay Laura, ang anak na babae ni Haring Linseo, ang hari ng Albanya.

Sa pagpapaunlak sa hinihinging tulong ng Krotona, nakipagdigma si Florante laban sa heneral ng Persya na si Osmalik. Tumagal ang tunggali ng may limang oras. Nagtagumpay si Florante sa pagpatay kay Heneral Osmalik. Namalagi sa Croton si Florante ng limang buwan bago nagbalik sa Albanya para makita si Laura. Nang magbalik na nga sa Albanya, nagulat si Florante nang mapagmasdan ang watawat ng Persya na nagwawagayway sa kaharian, ngunit muli namang nagapi ni Florante ang mga kalabang Persyano. Nailigtas ni Florante sina Duke Briseo, Adolfo, Haring Linceo at Laura mula sa mga kamay ni Emir. Muntikan nang mapatay ni Emir si Laura. Itinalagang “Tagapagtanggol ng Albanya” si Florante dahil sa kaniyang naipakitang kagitingan at katapangan, isang bagay na lubhang ikinamuhi at ikinaiinggit ni Adolfo.

Muling ipinagtanggol at ipinagsanggalang ni Florante ang kaharian ng Albanya mula sa puwersa ng mga taga- Turkiya. Pinamunuan ni Heneral Miramolin, isang kilalang mananakop, ang mga taga-Turkiya. Naganap ang labanan sa Etolya, kung saan tumanggap si Florante ng isang liham mula sa kaniyang ama. Pinabalik si Florante sa Albanya, kung kaya’t naiwan sa pangangalaga ni Menandro, ang kaibigan ni Florante, ang hukbong pinamumunuan. Nang makauwi sa bayan si Florante, tinugis si Florante ng 30,000 mga kawal na sumusunod sa paguutos ni Adolfo. Nabilanggo si Florante ng may 28 araw. Sa piitan na lamang nalaman ni Florante ang kinahinatnan ng kaniyang ama at hari, na kapwa pinapugutan ng ulo ni Adolfo. Ipinadala si Florante sa kagubatan at itinali sa isang puno ng akasya.

Isinalaysay ni Florante ang kaniyang kaugnayan at pag-ibig kay Laura, nilahad rin niya ang pagkainggit sa kaniya ni Adolfo, at maging ang kagustuhan ng huling angkinin ang trono ng Albanya. Dahil sa mga ito, ibig siyang patayin ni Adolfo. Pagkalipas ng ilang panahon ng paglalakbay sa kagubatan, binanggit ni Aladin – na isa palang Persyano – ang katotohanan na katulad rin ng kay Florante ang kaniyang kapalaran. Pinagbintangan si Aladin ng sariling ama, si Sultan Ali-Adab, ni iniwan ni Aladin ang kaniyang mga alagad na naging sanhi ng pagkagapi mula sa kanilang kaaway. Inibig ni Ali-Adab na papugutan ng ulo si Aladin. Ngunit dahil sa pag-ibig sa kaniya ni Flerida, hiniling ng huli sa hari na huwag nang pugutan ng ulo si Aladin, sa halip ay palayasin na lamang mula sa kaharian. Bilang kapalit, pumayag si Flerida na magpakasal sa sultan.

Nagambala ang paglalahad ni Aladin nang makarinig sila ng mga
tinig. Isang babae ang nagkukuwento hinggil sa kaniyang pagtakas mula sa
isang kaharian at sa kaniya sanang pagpapakasal. Hinahanap ng babae ang
kaniyang minamahal na kasintahan, isang paghahanap na tumagal ng may
anim na taon. Sinabi pa nito na habang nasa loob ng kagubatan, nakarinig
siya ng mga iyak ng paghingi ng tulong. Nang matagpuan niya ang isang
babae na inaalipusta ng isang lalaking ibig gumasa dito, ginamit ng
naglalahad na babae ang kaniyang pana para paslangin ang lumalabag sa
puring lalaki. Nagpakilala ang babae bilang si Flerida.

Si Laura ang babaeng sinagip ni Flerida. Nagumpisa
siyang maglahad ng kaniyang kuwento. Nang malayo sa piling niya ang
kaniyang kasintahan, naging kaayaaya at bantog si Konde Adolfo sa mga mamamayan ng Albanya, kahit na pulos kasinungalingan naman ang ginagawa nito. Nagtagumpay si Adolfo na sirain ang hari sa mga mata ng mamamayan. Naangkin at naupo sa trono ng Albanya si Adolfo, kung kaya’t napilitang maging reyna nito si Laura. Isang hukbo na nasa ilalim ng pamumuno ni Menandro, ang kaibigan mula sa pagkabata ni Florante, ang naging dahilan ng pagkalupig ni Adolfo. Tumakas si Adolfo na tangay si Laura bihag, patungo sa kagubatan.

Matapos ang paglalahad ni Laura, nagsibalik sina Florante at Aladin sa piling ng kanilang mga mahal sa buhay. Nagbalik si Florante at Laura sa Albanya, kung saan naging hari at reyna sila. Nagbalik naman sina Aladin at Flerida sa Persya, kung saan naging sultan si Aladin sapagkat namatay na ang kaniyang ama. Namuhay ng mapayapa at matiwasay ang dalawang kaharian.

Mga tauhan

Florante - tagapagtanggol ng Albanya at isang mabuting anak ni Duke Briseo

Laura - anak na babae ni Haring Linseo ng Albanya; iniibig ni Florante

Aladdin / Aladin - anak ni Sultan Ali-Adab ng Persya, isang moro na nagligtas at tumulong kay Florante

Flerida - kasintahan ni Aladin na inagaw ng kanyang amang si Sultan Ali-Adab

Haring Linseo - hari ng Albanya, ama ni Laura

Sultan Ali-Adab - sultan ng Persya, ama ni Aladin

Prinsesa Floresca - ina ni Florante, prinsesa ng Krotona

Duke Briseo - ama ni Florante; Kapatid ni Haring Linceo

Adolfo - kalaban ni Florante, tinawag na mapagbalat-kayo; malaki ang galit kay Florante

Konde Sileno - ama ni Adolfo

Menalipo - pinsan ni Florante na nagligtas sa kanya noong siya ay sanggol pa lamang mula sa isang buwitre

Menandro - matalik na kaibigan ni Florante, pamangkin ni Antenor; nagligtas kay Florante mula kay Adolfo.

Antenor - guro ni Florante sa Atenas

Emir - moro/muslim na hindi nagtagumpay sa pagpaslang kay Laura

Heneral Osmalik - heneral ng Persya na lumaban sa Crotona

Heneral Miramolin - heneral ng Turkiya

Heneral Abu Bakr- Heneral ng Persya, nagbantay kay Flerida.

Ang akda at mga bayani

Sinasabi na nagdala ng kopya ng Florante at Laura si José Rizal
noong kapanahunan ng kaniyang mga paglalakbay sa Europa. Samantalang
pinaniniwalaan na sumipi si Apolinario Mabini naman sa kopyang nalimbag
noong 1870 o 1853 para malalang ang isang kopya ng Florante at Laura na
nasa sarili niyang sulat-kamay. Ginawa ito ni Mabini, habang nasa Guam
noong 1901, ayon sa mungkahi ng isang kapitan ng hukbong-katihan ng
Estados Unidos. Walang pahintulot na makabalik pa sa Pilipinas si Mabini
noong panahong ginawa ito ni Mabini.[5]

May ginawang mga pagbabagong may kaugnayan sa ortograpiya
si Mabini sa kaniyang isinagawang kopya, ayon na nga sa mungkahi ni
Jose Rizal. Isang kopyang holograpo – isang kopyang kalarawan ng
orihinal na nasa sulat kamay ni Mabini – ang ipinagbili sa pamahalaan ng
mga kaanak ni Mabini. Unang nalimbag ang 700 kopya ng gawang-kamay na
ito ni Mabini noong 1964, sa ilalim ng pamamahala ng The National Heroes
Commission ng Pilipinas, bilang parangal kina Francisco Baltasar at
Apolinario Mabini. Muling naglimbag ng 1,000 kopya ang komisyon noong
1972.[5]

Unknownnoreply@blogger.com1tag:blogger.com,1999:blog-6626091341607028812.post-31048483305889040552012-12-04T20:48:00.001-08:002012-12-04T20:51:11.906-08:00FRANCISCO BALTAZAR

Francisco "Balagtas" Baltazar

Kapanganakan

Abril 2, 1788

Bigaa, Bulacan

Kamatayan

Pebrero 20, 1863

Udyong, Bataan

Iba pang pangalan

Balagtas

Hanapbuhay

Manunulat

Kilala para sa

Florante at Laura

Ito ang artikulo sa Pilipinong makata. Para sa bayang ipinangalanan sa kanya, tingnan ang Balagtas, Bulacan.

Si Francisco Baltazar (Abril 2, 1788—Pebrero 20, 1862), mas kilala bilang Francisco Balagtas, ay tinuturing bilang isa sa mga magagaling na Pilipinong manunulat. Florante at Laura ang kanyang pinakakilalang obra maestra.[1]

Mga nilalaman

1 Talambuhay

1.1 Unang mga taon

1.2 Buhay Bilang Isang Manunulat

1.3 Huling Mga Araw

2 Ang kanyang mga sinulat

3 Tingnan din

4 Mga sanggunian

5 Mga kawing panlabas

Talambuhay

Unang mga taon

Si Francisco Baltazar ay ipinanganak noong Abril 2, 1788 sa Panginay,
Bigaa (ngayon ay Balagtas), Bulacan. Tinatawag rin siyang Kiko at
Balagtas. Ang mga magulang niya ay sina Juana dela Cruz at Juan Baltazar
at ang mga kapatid rin niya ay sina Felipe, Concha at Nicolasa. Pumasok
siya una sa paaralang parokyal sa Bigaa, kung saan siya'y tinuruan
tungkol sa relihiyon. Sunod, naging katulong siya ni Donya Trinidad
upang makapagpatuloy siya ng kolehiyo sa Colegio de San Jose sa Maynila.
Pagkatapos, nag-aral naman siya sa Colegio de San Juan de Letran at naging guro niya si Padre Mariano Pilapil.

Buhay Bilang Isang Manunulat

Taong 1835 nang manirahan si Kiko sa Pandacan, Maynila. Dito niya nakilala si Maria Asuncion Rivera.
Ang marilag na dalaga ang nagsilbing inspirasyon ng makata. Siya ang
tinawag na "Selya" at tinaguriang M.A.R. ni Balagtas sa kanyang tulang Florante at Laura.
Naging karibal niya si Mariano "Nanong" Capule sa pagligaw kay Celia,
isang taong ubod ng yaman at malakas sa pamahalaan. Dahil sa ginawa niya
sa pagligaw kay Celia, ipinakulong siya ni Nanong Capule para hindi na
siya muling makita ni Celia. Habang nasa kulungan siya, pinakasalan ni
Nanong Capule si Selya kahit walang pag-ibig nadarama si Selya para kay
Nanong Capule. Doon sa kulungan, isinulat niya ang Florante at Laura
para kay Selya. Noong 1838, nakalaya na siya sa kulungan at pumunta na
siya sa Udyong, Bataan. Doon, nagkaroon siya ng 11 anak kay Juana
Tiambeng.

Huling Mga Araw

Nabilanggong muli si Kiko sa sumbong ng isang katulong na babae sa di
umano'y pagputol ng buhok niya. Nakalaya siya noong 1860. Ipinagpatuloy
niya ang pagsusulat ng mga komedya, awit at korido nang siya ay lumaya.
Namayapa siya sa piling ng kanyang asawa, Juana Tiambeng at ang 4
niyang anak noong Pebrero 20, 1862 sa gulang na 74, dahil sa sakit na
pulmonya at dahil narin sa kanyang katandaan.RIP

Ang kanyang mga sinulat

Orosmán at Zafra

Don Nuño at Selinda

Auredato at Astrome

Clara Belmore

Abdol at Misereanan

Bayaceto at Dorslica

Alamansor at Rosalinda

La india elegante y el negrito amante

Nudo gordeano

Rodolfo at Rosemonda

Mahomet at Constanza

Claus

Florante at Laura

Unknownnoreply@blogger.com0